Ang bongga ng ating turismo, nakapagtala ang Department of Tourism (DOT) noong 2017 ng 6,620,908 mga dayuhang turista na bumisita sa Pilipinas na walang kapantay na paglago na 11% mula sa mga dating naunang taon na 5,967,005.

Pinakamabentang turismo sa Pilipinas ang average na paglago ng turismo ng Asya at Pasipiko na nasa anim na porsiyento at Timog-silangang Asya sa walong porsiyento ayon sa pinakabagong United Nations World Tourism Organization (UNWTO) ng World Tourism Barometer.

Ang tourism milestone ay dumating pagkatapos ng isang serye ng mga political noise, security concerns at travel advisories laban sa bansa noong nakaraang taon.

Ipinagpasalamat ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng stakeholders na nag-host ng bansa sa Miss Universe at ang ASEAN Summit, Madrid Fusión Manila 2017, World Street Food Congress, at ang UNWTO International Conference on Tourism Statistics na isang malaking tagumpay.

Ang pinahusay na air routes at mas maraming cruise calls kasama ang pagbuo ng impraestruktura at pagpapaunlad sa paglalakbay, pag-unlad ng produkto at mga pamumuhunan sa turismo ang nagbigay ‘kulay’ sa industriya ng turismo sa nakaraang taon.

Sa mga turista, ang South Korea ang nangibabaw sa source market ng bansa na may nai-ambag na 1,607,821 na tumutukoy sa halos isang quarter ng kabuuang dumating na turista.

Ang Boracay at Cebu naman ay nananatiling nangungunang destinasyon para sa mga Koreano noong nakaraang taon.

Kasunod ng South Korea ang China na may 968,447 na dumating na Tsinoy dahil na rin sa pinag-ibayong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China, dagdag pa ang air routes, at ang Visa Upon Arrival (VUA) para sa mga Tsinoy.

Ito ang pinakamainam na merkado na may 43.33% na pagtaas ng paglago ng USA na may 957,813 arrivals.
Ang Japan at Australia ang nagtala sa nangungunang limang pamilihan na may 584,180 at 259,433 na dumarating.

Noong Disyembre, nakapag-rehistro ng 603,062 dayuhang turista na dumating, na pangalawang pinakamahusay sa buwan ng Enero 2017 na 620,121.

Para sa 2018, inaasahan ng NTDP na may 7.4 million international tourist arrivals.

Hangad natin ang patuloy na paglobo ng ating turismo dahil kaakibat nito ay ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho ng ating mga kababayan.