Napanaginipan kong naglalakad ako sa isang hindi pamilyar na lugar nang bigla na lamang akong mapahinto dahil biglang nasa harap ko ang napakaraming basura.
Halos gabundok ng basura ang nakita ko at ramdam na ramdam kong hindi ako makahinga.
Sa panaginip ko ay pilit akong naghahanap ng ibang daan habang pigil ang paghinga para hindi malanghap ang mabahong basura. Nang magising ako, naghahabol pa ako ng hininga.
Ang panaginip na tungkol sa basura ay indikasyon na ang nanaginip ay may pinagdadaanan sa buhay.
Maaaring hindi ka kuntento sa nangyayari sa iyong buhay. Hindi nakakatanggap ng kaukulang respeto mula sa isang taong importante sa iyo.
Posible ring sa aktuwal na buhay ay hindi ka naman aware na may ganito kang nararamdaman, pero ang subconscious mo ay nakakaramdam ng ganito.
May pagkakataon na hindi natin ganap na maamin sa ating sarili ang isang negatibong pangyayari. ‘Yun bang pinaniniwala natin ang ating sarili na okey lang ang nangyayari pero sa kaloob-looban natin ay nararamdaman natin ang sakit at ito’y pilit nilalabanan lalo na kung gising. Kaya naman maaaring sa iyong panaginip ay kumawala na ang ganitong damdamin.
Sa ganitong punto, ikaw lamang ang nakakaalam kung anong bahagi ng buhay mo ang itinuturing ng iyong subconscious bilang “basura”. Pag-aralan mong mabuti ang sitwasyon mo.
May posibilidad din na ang ganitong pakiramdam ay nag-uugat sa isang hindi magandang nakaraan. Kung maayos naman ang buhay mo sa kasalukuyan at wala kang maituturing na basura, balikan ang iyong nagdaan may bahagi ba nito na hindi naging maganda?
Kung ang magiging koneksyon ng iyong panaginip ay nasa kasalukuyan, kailangan mong magbawas ng stress at posible ring kailanganin mong maging mas assertive para mawala ang ganitong pangyayari.
Laging isipin na may magagawa ka para protektahan ang iyong dignidad. Laging nasa iyong kamay ang paraan para mabago ang takbo ng buhay. Kailangan mo lamang ng determinasyon at suporta ng mga tunay na nagmamalasakit sa iyo.
Kung ang panaginip mo naman ay konektado sa nakaraan, hindi ito dapat magdulot ng pagkabalisa. Dahil kung wala na nga ang aktuwal na basura ng iyong buhay, puwede ka nang makahinga nang maluwag dahil nalagpasan mo na ang pangit na bahagi ng buhay.
Dapat ganap ka nang mag-move on. Gamitin ang panaginip para maging paalala na hindi mo na dapat pang payagang maulit ang ganitong senaryo sa buhay.
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinala