Bundok sa Benguet nasusunog

Mahigit dalawang araw nang nagliliyab ang kabundukan sa bahagi ng Brgy. Ambassador sa Tublay, Benguet.

Ayon sa Benguet Fire Department, pa­tuloy na nasusunog ang bundok simula pa noong Huwebes, Pebrero 20.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na hirap ang mga bumbero na makarating sa ilang bahagi ng nasusunog na bundok dahil delikado at hindi rin makapasok ang kanilang mga fire truck.

Hindi pa tiyak, ayon sa mga awtoridad, kung ilang residente ang apektado ng sunog at kung gaano na ito kalawak.

Rumesponde na rin sa nasabing lugar ang mga awtoridad mula sa Office of Civil Defense (OCD) at mga bumbero galing sa La Trinidad at Baguio. (Allan ­Bergonia)