Bunso ginahasa ni kuya

Isang 11-anyos na batang babae ang maagang nasira ang kinabukasan matapos na gahasain ng 16-anyos na kapatid nitong lalaki sa Lungsod ng Malabon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Malabon City Police-Women and Children Protection Desk (WCPD), ganap umanong alas-10:00 ng gabi nang mangyari ang insidente nang ang biktima na itinago sa pangalang Lane at suspek na itinago sa pa­ngalang Filco ang naiwan sa kanilang bahay sa Barangay Tonsuya ng ­nasabing lungsod.

Hindi sana malalaman ng iba pa nilang kapatid at magulang ang nangyari kung hindi dumaing ang biktima sa pananakit ng kanyang ari. Agad itong inusisa ng kanyang ate at doon na ikinuwento ng biktima ang pangyayari.

Hindi naman nagda­lawang isip ang kanilang mga magulang na isup­long sa awtoridad ang ginawa ng kanilang anak sa kapatid nito.

Sa ngayon ay pansa­mantalang nasa kustodya ng City Social Welfare ang suspek dahil menor de edad pa ito.