PERSONAL na hinatid ni Mayora Lani Mercado-Revilla sa Amerika ang bunsong anak nila ni Senador Bong Revilla na si Ram.

Sa isang Business School sa San Francisco mag-aaral ang 18-anyos na si Ram.

Scholar si Ram sa La Salle Taft dahil sa Taekwondo, pero sabi ni Ms. Lani ay ayaw na nito ng course nitong may kina­laman sa sports.

Mas bet nitong mag-aral ng Business course.

Matututong ma­ging independent si Ram ‘pag mag-isa na ito sa US. May dalawa siyang makakasama roon na mga tropa niyang bagets din.

Sabay-sabay silang umalis ng binatang anak ni Congressman Strike Revilla na brother ni Sen. Bong at saka ng isang binata rin ng sister ni Bong na si Ate Rowena Bautista-Mendiola.

Teenager pa lang si Ram ay yummylicious na ito at borta na ang katawan.

Sabi sa amin ni Sen. Bong, nu’ng kaedad niya ito ay hindi ganu’n kaganda ang katawan niya.

Napansin ni Tita Lolit Solis na mas pumayat si Ram kaya mas gumuwapo at mas naging sexy ito.

Ang alam namin ay gustong mag-showbiz ni bagets, kaya lang ay mas priority niya ang pag-aaral.

Ang sabi sa amin ni Ram, wala siyang iniwang girlfriend sa ‘Pinas. Hirit namin sa kanya, sa San Francisco na lang siya maghanap ng blonde na girlfie.

Personal na hahanapan ni Mayora Lani ng matitirhan si Ram sa SFO.

Ang gusto niya ay mag-dorm ito na malapit lang, para maglalakad na lang ito papasok sa eskuwelahan.