Buntis na Jolina bed rest muna

MASAYA kami para kay Jolina Magdangal dahil natupad ang plano o wish niya na mabuntis sana this year para ma­bigyan na nila ng mister na si Mark Escueta ng kapatid ang panganay na si Pele.

In-announce na ni Jolina sa Magandang Buhay na preggy na siya sa second baby nila. Ang gandang birthday gift nga para sa kanya na nag-celebrate ng kanyang kaarawan noong November 7.

Nakausap din namin si Mark at sa kanya namin nalaman na nine weeks pregnant na si Jolina.

In-advise rin daw itong mag-bed rest muna ng O.B. gyne nito, pero ngayon daw all good naman both Jolina and her baby.

Kaya kung mapapansin, pansamantala rin itong nag-absent muna sa ASAP at Magandang Buhay.

Pagdidirek ni Marvin tinutulan ng GMA

BALIK-KAPUSO na naman si Marvin Agustin. Although his last show pa na nagawa niya sa GMA 7 ay ang Iglot, then pa on and off naman siya kung gumawa talaga ng serye.

After that, sa Kapamilya network naman siya napanood tulad ng balik-tambalan nila ni Jolina Magdangal.

Hindi naman daw siya nakakontrata to any network at naging kaibigan na raw niya ang lahat ng networks kaya okey siya kahit saan siya mag-work.

Kasama si Marvin sa bagong primetime series ng GMA 7 na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Kasama rin dito ang nagbabalik-Kapuso na si Carmina Villarroel.

Inamin ni Marvin na ang gusto niyang gawin ngayon ay ang magdirek. Gusto raw niya this time ay behind the scene. Nag-aral ng directing si Marvin sa New York University.

Nang sabihin daw niya ito sa GMA, okey naman daw sa mga ito. Pero sinabihan daw siya na mag-akting muna siya bago magdirek.