PINAGTAWANAN na lang kami ni Pauleen Luna nang kinulit namin kung buntis na ba siya kaya panay ang rest niya at hindi na siya gaanong nakakapasok sa Eat Bulaga.
Buong isang linggo siyang hindi napanood sa Eat Bulaga nu’ng nakaraang linggo, kaya may mga nagtatanong sa amin sa radio progam namin sa DZRH bakit wala ang misis ni Vic Sotto.
Sabi ni Pauleen, kailangan lang niya ng rest. Hindi na niya idinetalye sa amin kung bakit.
Kailangan lang daw niyang sundin ang payo ng doktor niyang magpahinga.
Ngayon ay balik-Bulaga na siya at okay raw siya.
Ang pinaghahandaan niya ay ang kaarawan ni Bossing Vic sa Biyernes.
Wala silang birthday celebration na bonggang-bongga dahil ayaw ng asawa niya.
Okay na raw na mag-out of town sila para i-celebrate ang 63rd birthday ni Bossing Vic.