Kinatay at ginawang pulutan ng mga residente ng isang barangay sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur ang isang buntis na pating matapos itong abutan ng low tide sa dalampasigan sakop nito kamakalawa.

Ayon kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol, bagamat hindi pa naman paubos ang kinatay na blue shark ay mahigpit namang pinagbabawal ng ahensya ang pagkatay ng mga ito lalo na ito’y buntis.

Base sa ulat ng BFAR-Bicol, kamakalawa ng umaga ng kanilang matanggap ang ulat na may napadpad na buntis pating sa karagatan sakop ng Barangay Pasay ng nabatid na bayan matapos abutin ng low tide.

Subalit imbes na ibalik ng mga kalalakihang residente sa malalim na bahagi ng dagat ang isda ay kanila itong kinatay at doon na nalaman na buntis ito at kinain.