Buntis sinagip ng pulis

Nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang buntis na humihilab na ang tiyan at malapit nang manganak nang abutan sa lansangan na naghihintay nang masasakyan papuntang Fabella Hospital kamakawala.

Agad na sinakay sa mobile ang buntis kasama ang ina nito at inihatid sa Fabella Hospital.

Naging maayos naman ang pagsisilang ng ina sa isang sanggol na lalaki

Sinabi ni P/Lt.Col. Carlo Magno, hepe ng District Public Information Office ng MPD, alas-kwatro ng hapon nang mamataan ng mga nagbabantay na pulis ang mag-ina sa kahabaan ng Moriones Street sa Tondo. (Juliet de Loza-Cudia)