Buri blacklisted sa DOTr

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na kailanman makakasama sa anumang transaksyon ang Busan Universal Rail Inc. (BURI) at iba pa nitong miyembro sa malaking bidding ng DOTr para sa Syste­matic Rail Replacement Project ng MRT-3, at maging sa maintenance contract at iba pang kontrata sa LRT-2.

Ito ay kasunod ng isiniwalat ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Representative Jericho Nograles na kasama pa umano ang Buri sa nagbi-bid sa ibang proyekto ng DOTr.

Paliwanag ng DOTr, malaking pagkakamali ang inihayag ng mambabatas dahil sa una pa lang ay hindi na sila kumpiyansa sa naging sistema ng Busan Transportation Corporation at Edison Development & Construction kaugnay sa kalagayan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Hindi na umano sila kuntento sa serbisyo ng Busan at Edison dahil sa kaliwa’t kanang aberya ng tren at mga batikos mula sa commuters.

“BURI and its joint venture members, which include Busan Transportation Corporation (Busan) and Edison Development and Construction (Edison), are disqualified from participating in the bidding of government projects, which is a consequence of the terminationNof BURI’s contract for the maintenance of Metro Rail Transit (MRT-3) due to poor performance and breach of contractual obligations, which took effect last 6 November 2017,” ayon sa statement ng DOTr.

Hindi umano kailanman makakasama ang Busan at Edis­on sa bidding dahil kasama na sila sa nai-blacklist ng ahensya.

Kahit na umano nagpadala pa sila ng mga requirement para sa bidding ay hindi nangangahulugan na makakasama sila sa bidding dahil may mahabang proseso pa para makasama sa bidding ang isang kompanya.