Pinatigil ng isang bus company ang pinatutupad nitong honesty system sa kanilang mga bus dahil na rin umano sa mga pasaherong hindi nagbabayad ng pasahe.

Nakasaad sa Facebook page ng Green Frog Hybrid Bus Company na higit 30 porsiyento umano ng kanilang mga pasahero ay hindi nagbabayad.

Ang naturang kompanya ang nag-iisang bus company sa bansa na gumagamit ng environment friendly hybrid bus.

Sinimulan ng kompanya ang honesty system sa kanilang mga bus noong Marso 11. Walang konduktor na maniningil ng pasahe at inaasahang kusang magbaba­yad ang kanilang mga pasahero.

Pero lumalabas na hindi epektibo ang honesty system dahil 30 porsiyento ng kanilang mga pasahero ay hindi nagbabayad.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang bus company dahil hindi umubra ang kanilang honesty system.