Walang malay na bumulagta ang isang tsuper ng bus makaraang sapakin ito ng naka-Fortuner na driver kamakalawa sa Quezon City.
Nag-ugat ang sapakan matapos umano ang mga itong magkagitgitan sa Camachili ng nasabing lunsod.
Base sa post sa social media, ang nanapak na driver ng SUV ay natukoy sa pangalang Ramon Alfonso ‘Ching’ Lund Reyes Jr., na sinasabing na-deport mula sa Amerika dahil sa mga kasong drugs at physical assault.
Sa naganap na road rage dakong alas-11:00 nang umaga kamakalawa, sinapak ni ‘Ching’ ang driver ng Bataan Transit kung saan kahit bagsak na umano at wala nang malay ang huli ay patuloy pa rin itong pinagsusuntok ng una.
Sinasabing maimpluwensya ang pamilya ng suspek at malapit umano sa pamilya ng isang kilalang politiko.
Ikinatwiran naman ni ‘Ching’ na siya ang unang sinaktan ng bus driver at ipinagtanggol lamang nito ang kanyang sarili at kaligtasan na rin ng kanyang pamilya na noon ay sakay din niya sa minamanehong SUV.
Nag-viral naman sa social media ang nakunang sapakan matapos itong i-upload sa Facebook ng isang netizen na may user name na ‘Audilon Bolinas.’
Ilan sa reaksyon ng social media ay ang mga sumusunod:
Kurt Emmanuel Macabenta-“Pustahan after magviral ng video n Yan pagharap Nyan mukhang kawawang aso n humihingi Ng simpatya…ikulong yan.”
Antonio Isic-“Patira na sa mga NPA yan ganyan mayayabang at nananakit ng kapwa.”
Nikko D Balmadrid Hays:( ang dami nyong lalaki jan hindi kayo umawat tapos nung nabugbug “ sasabihan nyo nalang na kawawa naman “.. Hays nakakapanglumo nalang.
Rhenzkie Obias: “Oh, kuya sikat kana!! Masaya kana nyan! (Dolly Cabreza)