Tatlong magkakaangkas sa motorsiklo ang nasawi makaraang salpukin ng isang bus sa Maharlika Highway, Brgy. San Nicola, San Pablo City, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si ­Nelson Bondad, 44-anyos, residente ng Alaminos, na siyang nagmamaneho ng motorsiklo.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan sa dalawang babaeng biktima na parehong kaangkas sa motorsiklo.

Ayon kay SPO2 Carlos Llagado Jr., imbestigador ng kaso, bandang alas-6:55 ng umaga, patungong direksyon ng Alaminos, Laguna ang motorsiklo nang bigla umano itong mag-slide patungo sa linya ng kasalubong na P&O Transport Corp bus dahil sa madulas na kalsada dulot ng pag-ulan.

Nagtamo ang mga ­biktima ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Wala umanong suot na crash helmet ang mga biktima.

Sumuko naman ang driver ng bus na si Orlando Chan matapos ang aksidente.