Happy ang mga negosyante sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo sa iligal na droga at paglaban sa kriminalidad.

Kaya naman naiintindihan ng grupo ni George Barcelon, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), na pinakamalaking business organization sa bansa ang hinihirit na anim na buwang ekstensyon ng Pangulong Digong.

“…and, of course, foremost naman eh alam natin, ang pangako ni President was the issue, the very important issue on drug and crimes…and on that aspect, we are very happy that he delivered,” pahayag ni Barcelon sa isang press briefing sa Malacañang kahapon.

Nabatid na ang PCCI ang strategic partner para sa ‘Sulong Pilipinas’ at si Barcelon ang kumakatawan sa pribadong sektor partikular na sa Industry Development Council at National Competitive Council.

“…we know that the 10-point agenda of the President is still being pursued by the economic team, of course, headed by Secretary of Finance, Mr. Sonny Dominguez..we also hear from them what are their plans and I think their plans are all very positive,” ani Barcelon.

2 Responses

  1. Yung iba kasi nakatutok lang sa laban ng gobyerno sa drugs… kay Duterte lang nakabantay, sa mga sasabihin lag niya nagbabase.. may mga Appointee nman siya sa bawat departamento kagaya ng sinabi ni Mr. Barcelon na may communication sila kay Mr. Dominguez… mabuti rin minsan na kay Duterte nakatutok ang lahat at makapag trabaho ng maayos ang bawat ahensya ayon sa mandato nila..