Itinanggi kahapon ng kampo ng negosyanteng si Kenneth Dong na nagsilbi siyang middleman para sa nasabat na P6.4 milyong halaga ng shabu na lulan ng shipment mula China ng Bureau of Customs (BOC) noong Mayo 2017 gaya ng lumilitaw sa mga media reports.

Sinabi ng legal camp ni Mr. Dong, hindi nagsilbing middleman para sa nasabing shipment ang kanyang kliyente at lalong hindi ito sangkot sa nasabat na kargamentong naglalaman ng illegal drugs.

Bilang patunay na malinis ang konsensya ni Mr. Dong ay umuwi pa ito ng Pilipinas mula sa kanilang business trip sa Singapore at China matapos madawit ang kanyang pangalan sa kontrobersya.

Binigyang-diin umano ni Mr. Dong na hindi niya kilala si Mr. Richard Chen bagkus ang ka­kilala lamang niya ay sina Mr. Manny Li at Mark Taguba.

“Nilinaw din ng aking kliyente na si Mr. Manny Li ang nagpasok kay Mr. Chen na may-ari ng Hong Fei at hindi niya ito personal na kakilala,” paliwanag pa ng legal camp sa kanilang statement.

Isang lehitimong negosyante si Mr. Dong na naging matagumpay sa pagsisikap nito sa kanyang pagnenegosyo.

Iginiit pa ni Mr. Dong na wala siyang kinalaman sa nasabing drug shipment at lalong hindi siya middleman para sa nasabing kargamento.