Akala ko hahayaan lang ni Pangulong Rodrig­o Duterte ang patuloy na pambabastos ng China sa Pilipinas na tila nagsasamantala dahil sa mga paha­yag ng Pangulo na hindi siya makikipaggiyera sa China.

Nabuhayan ako ng loob at natuwa na rin dahil hindi pi­nalagpas ni Duterte ang patuloy na pagsakop ng China sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng ru­ling ng Permanent Court of Arbitral (PCA) ng United Nation (UN).

Hindi nagustuha­n ni Duterte ang nakitang mga barko ng Chin­a na puma­sok sa Panatag Shoal na tila nagtatayo na naman ng kanilang mi­litary base sa WPS kaya inatasan nito ang DFA na ipatawag ang ambassador ng China para ipaliwanag ang ginagawa ng kanilang bansa.

Isang harap-harapang pambabastos ng Chin­a sa Pilipinas at UN ang kanilang ginagawa dahil hindi nila igi­nagalang ang pakikipagkaibigan sa kanila ni Duterte at sa halip ay para bang nagsasamantala sila dahil sa pahayag ng Pangulo na hindi sila makikipaggiyera.

Pagbabalewala rin ito sa PCA-UN na una ng nag­labas ng ruling na mga isla sa WPS ay teritoryo ng Pilipinas at buti na lamang at hindi ito hinayaan ni Duterte dahil kung hindi ay marami pang military base ang itatayo ng China sa ating teritoryo.

Maraming pumabor sa aksyon ni Duterte laban sa ginawa ng China na nararapat lang naman para maipakita sa mundo na kahit maliit lang na bansa ang Pilipinas ay hindi dapat ha­yaan na binu-bully tayo.

Nakakalungkot din na hindi pag-uusapan ang PCA ruling sa ASEAN Summit sa Laos na isang patunay na walang pagkakaisa talaga ang orga­nisasyong ito para sa kapakanan ng kanilang mga miyembro.

Hangga’t ganito ang ginagawa ng ASEAN, lalong lalakas ang loob ng China na mang-bully ng mga maliliit na bansa tulad ng Pilipinas at paano nakakasigurado ang ASEAN na hindi gagawin ng China sa kanila ang ginagawa nila sa Pilipinas?

Sabagay, ang Amerik­a nga na-bully nila dahil hindi binigyan ng hagdan ang kanilang bisitang si Pre­sidente Barack Obama sa Chin­a eh.

***

Noong panahon ni da­ting Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, ang puna ng mga kritiko sa mga taong nakapaligid sa kanya ay mga OJT o on job trai­ning dahil parang hindi sila nag-uusap para magkaroon lang ng isang pahayag ang gobyerno sa isang isyu.

Mukhang ganito rin ang nangyayari sa mga tauhan DU30 dahil may kanya-kanyang opinyon ang mga tauhan niya lalo na sa isyu kung sino ang bumomba sa Davao City night market.

Nagkakalituhan tuloy kung sino ba talaga ang nasa likod ng pambobomba. Ang Abu Sayyaf ba tala­ga, ang Islamic States (IS), ang mga drug lord ba ang nagbayad sa Abu Sayyaf para bombahin ang Davao City o ano ba talaga.

Ano ba mga kuya? Hindi kayo nag-uusap ha. Mayroon namang cellphone kahit mahina ang signal eh puwede silang mag-usap-usap o kaya gumawa sila ng Viber group nila dahil tiyak naman libre ang kanilang communication. (dpa_btaguinod@yahoo.com)

One Response