‘Buwaya’ sa ‘Pinas ‘di mauubos — Ping

ping

Mistulang parinig muli sa ilang mambabatas ang pahayag ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kaugnay sa pangamba ng mga scientist na posibleng maubos na ang mga buwaya sa bansa.

May kaugnayan ito sa panawagan ng mga scientist na protektahan at alagaan ang mga buwaya sa Pilipinas dahil posibleng maubos na ang mga ito.

Sinabi ni Lacson na hindi lahat ng klase ng Philippine crocodile ay mahiyain, malihim at posibleng mawala na sa bansa.

Sa kanyang twitter post, sinabi ni Lacson na marami mga kilalang ‘buwaya’ ay mapanupil at malayo pang maubos.

“Inquirer News info – Ph crocs: Shy, secretive—and soon gone? The ‘crocs’ that we know are confident, overbearing, loud, and dynastic. They won’t be gone soon,” saad ni Lacson.

Matatandaang ilang ulit na ring bumanat si Lacson sa mga kongresista sa paggigiit ng pork barrel gayundin sa pagnanasang tanggalin ang probisyon sa konstitusyon na may kinalaman sa term limits.