Buwis-buhay sa payroll money

Patay ang isang gene­ral foreman at natangay ang mahigit P.2M payroll money na dala nito matapos abangan at barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Jona­than Bautista ng Manila Police District ang biktimang si Floro Orille, 66-anyos, general foreman ng Floro Orille Construction sa 56 Agno St., Quezon City na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib at ulo.

Lumalabas na inaba­ngan umano ng dalawang­ suspek ang biktima at nilapitan habang nagla­lakad sa may Earnshaw St. corner Fajardo St., Sampaloc, Maynila dakong alas-3:45 ng hapon at inagaw ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng pampasuweldo pero hindi ibinigay ng biktima kaya binaril ito.