Buwis sa online seller wrong timing

For the record
Dindo Matining

Hanggang ngayon, nagpupuyos pa rin sa galit ang ilan sa ating mga kababayan dahil sa plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na buwisan ang mga online sellers.

May dahilan nga naman para sila magwala. Kasi nga naman napaka-insensitive nila na itinaon pa sa panahon ng pandemya kung saan hikahos ang karamihan dahil sa masamang epekto nito sa lahat.

Hindi naman kaila na dahil sa COVID-19 pandemic, marami ang natigil ang trabaho, ang iba nga ay nawalan pa ng trabaho kaya naman gumagawa sila ng paraan para kumita para makalikom ng konting pondo para sa pang araw-araw nilang gastusin.

Dahil sa pandemya, marami akong mga kamag-anak at mga kaibigan na natutong mag-bake at magluto at ibnibenta online para nga naman kumita ng konti.

Kung ano-ano na ngalang ang nahanap nilang mga produkto na puwedeng ibenta sa online, kagaya ng face masks at PPE, at iba pang mga essentials tulad ng alcohol, beauty products at kung ano-ano pa.

Talagang pumatok naman ang online selling sa panahon na kinakaharap natin ang krisis na ito. At nang makita ng pumapatok ang online selling, heto’t pumasok ang BIR at inihayag na kailangan nilang magparehistro at magbayad ng kaukulang buwis.

Nakakalungkot lang na ngayong pinagtiyatiyagaan ng ating kababayan ang ganitong uri ng hanapbuhay, tapos bubuwisan pa ng BIR. Hindi ba’t napaka-insensitive nila?

Hindi naman super laki ang kanilang kita dyan at dahil sa pagbubuwis na ito maraming tayong mga kababayan mababawasan ng kita sa ganitong panaho.

Bukod sa maliliit ng negosyanteng ito apektado. Mababawasan din ang kita ng mga nagdi-deliver ng kanilang produkto tulad ng mga Grab, Food Panda at iba pang nag di-deliver na dito rin kumikita.

Sakaling matuloy nga ito, sigurado tataas rin ang presyo ng kanilang produkto, kasi pass on ilang ipapasa lang nila. So insensitive at hindi tama yung timing.

Sabi nga ni Senador Win Gatchalian, sa lahat daw g taxation, timing is important. Aniya, napakahalaga ng timing ng taxation pero sa ganitong pandemya na lahat po nahihirapan. Hindi aniya tama na patawan ng buwis itong mga bagong negosyante o yung mga small entrepreneurs na tinatawag natin.

Sinabi naman ng BIR ang exempted naman iyong P250,000 and below ang puhunan. Okay yan kung ganoon nga ang mangyayari. Papaano kung hindi ganoon, eh di kawawa namn ang maliliit nating negisyante.

Nakakalungkot lang kasi itong mga online seller na ito, wala namang natanggap na ayuda sa gobyerno napagdiskitahan pang buwisan. Parang hindi makaturangan di ba?

Sa halip na targetin ang online sellers, mas mainam na unang habulin ang mga smugglers ang mga malalaking tax evaders tulad ng POGO na sa pagkaalam ko P50 bilyon ang unpaid taxes. Pakiuna na sila please!