Isang buy-and-sell agent ang nahulihan ng P120,000 halaga ng mga pinatuyong dahon ng marijuana nang isailalim sa buy-bust operation ng mga operatiba ng pulis­ya sa gilid ng isang simbahan sa Caloocan City, Sabado ng gabi.

Sa isinumiteng ulat kay Police Lt. Col. Ferdie­ Del Rosario, assistant chief of police for administration ng Caloocan City, kinilala ang suspek na si Jernard Velasco, 19, binata, buy-and-sell agent ng mga ready-to-wear item, at nakatira sa Brgy. 98, Zone 9, ng nasabing lungsod.

Sabi ni Del Rosario, ikinasa ang buy-bust ng mga tauhan ni Police Capt. Ramon Aquitan Jr. ng District Drug Enforcement Unit, sa gilid ng isang simbahan sa 11th Avenue, Brgy. 90, Zone 8 dakong alas-8:20 ng gabi.

Isang pulis ang nag-undercover at umiskor ng P1,000 halaga ng marijuana
Sa suspek. Matapos iabot ng suspek ang isang plastic sachet ng marijuana ay dinamba ito ng mga nakaabang na pulis at pinosasan.

Nakuha sa suspek ang isang kilo ng marijuana na may market value na P120,000.

Nabatid na nasa order of battle ng mga pulis si Velasco na umano’y tulak ng iligal na droga.

Kinasuhan na ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous­ Drugs Act of 2002. ­(Orlan Linde)