Winalis ng Far Eastern University ang women’s at men’s division crowns sa Beach Volleyball Republic On Tour Ibalong leg nitong Sabado sa Legazpi City.

Kinaldag nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza sina BanKo-Perlas pair Amanda Villanueva at Rap-rap Aguilar sa wo­men’s title match, pinagpag nina Jeremiah Barrica at Kevin Hadlocon sina Jade Becaldo at Rommel Pepito ng Cebu sa men’s final.

Inuwi ng FEU pairs ang tig-P30,000 cham­pions’ purse.

Malaking upset ang naganap sa men’s play, dahil tinalo nila Barrica at Hadlocon sina Becaldo at Pepito na naghari sa BVR national championship noong nakaraang buwan sa Anguib Beach sa Sta. Ana, Cagayan.

Ang ibang mga sumali sa two-day spikefest ay sina BVR founders Bea Tan at Charo Soriano, Perpetual Help tandem nina Marijo Medalla at Bianca Tripoli, FastTruck’s Jinggay Bangad at Caitlyn Viray, Gizelle Tan at Amy Ahomiro ng Ateneo at University of the East’s Angeline Dacaymat at Judith Abil.