Byahe ng LRT-1,16 minutong natigil sa aberya

Isang tren ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) ang nagkaroon ng technical problem sa bahagi ng Blumentritt station northbound pasado alas-8:05 ng umaga kahapon.

Sa Tweeter account ng LRT, kinailangan umanong ihinto pansamantala ang biyahe sa nagkaproblemang tren para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.

Dakong 8:21 na ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng LRT-1.

Dahil sa nasabing aberya, humaba ang pila ng mga pasahero sa Monumento station at iba pang istasyon ng tren dahil ilang minuto ring nagpatupad ng ‘stop entry’.