NI: ROLDAN CASTRO

Kinabog na raw ni Yayo Aguila si Angel Aquino pagdating sa halikan.

Ito’y pagkatapos kumalat sa Facebook, YouTube at Twitter ang laplapan scene nila ni Royce Cabrera sa pelikulang ‘Fuccbois’.

Bagamat ipinalabas na ito sa Cinemalaya, napirata ang movie at may nag-upload sa YouTube.

Maikli lang ang role ni Yayo sa naturang pelikula pero nag-trending ang pakikipaglalapan niya sa bagets.

Hindi lingid sa lahat na dati’y pinag-usapan din ang tukaan nina Angel at Tony Labrusca sa ‘Glorious Night’. Pero hawak na raw ngayon ni Yayo ang title.

May viral photo pa sa social media na pinapasa ni Angel ang korona kay Yayo bilang Laplap Queen 2020.

Sa isang chat tinanong din si Aguila kung masarap ba ang grabeng halikan kay Royce?

“Take 2! Masarap siyempre!!,” pakli niya.

“Tinodo ko na Mamsh para power diba?,” dugtong pa niya.

Klinaro rin namin sa aktres kung totoong sagot niya ang kumalat na convo .

“Oo naman. Totoo lang naman ang sinabi ko. Alangan namang sabihin kong hindi,eh, ginawa ko nga,noh?,” tugon niya

Sey naman ng aming source dapat daw magpasalamat si Yayo kay Direk Raymond Francisco ng Frontrow. Isa siya sa producer ng pelikula.Pinagpilitan umano niya kay Direk Eduardo Roy, Jr. ang eksenang yun dahil ‘yung take 1 ay smack lang. Boring at walang dating sa manonood.

Anyway, natatawa at naaaliw na lang si Yayo sa pagbansag sa kanya ngayon bilang bagong ‘Laplap Queen’.