C-Stand ‘di pa suko sa Ginebra

Semis 1 Game 4 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00 pm – Ginebra vs NorthPort

Sa first 24 minutes lang nakapagbigay ng magandang laban ang NorthPort sa Ginebra, naubusan ang Batang Pier pagbalik mula sa break at ‘di na nakaporma hanggang isuko ang 132-105 loss sa Game 3 ng PBA Go­vernors Cup semis.

Iwan ang Batang Pier sa series 2-1.

‘Di nagpa-intervew si NorthPort coach Pido Jarencio tapos ng laro sa Smart Araneta Coliseum nitong Miyerkoles, pero ­binahagi ni Christian Standhardinger ang ­assessment sa nangyari.

“I talked to everyone of my teammates, did you give everything you got? They said, yes. I know they gave everything they got,” anang Fil-German.
“If that’s the case, there’s no regret. That’s all we can do.”

Nag-deliver si Standhardinger ng 20 points at 9 rebounds pang-ayuda sa 32 at 10 ni Michael Qualls.

Ginamit ng Batang Pier ang one-day break para pag-aralan ang laro at paghandaan ang Game 4 ngayon sa Big Dome rin.

Do-or-die muli ang NorthPort, isang talo pa ay exit na. Kapag nanalo ay makakapuwersa ng winner-take-all sa Sabado sa Ynares Center.

“This is not the time to hang your heads and be like, ‘Oh we got beat,’” giit ni Standhardinger. “This is the time where, like, ‘My God, I can learn a lot playing against this team.’” (VE)