Natapos na ang season ng NorthPort, exit tapos sipain ng Ginebra sa apat na laro sa semifinals ng PBA Governors Cup.

‘Di biro ang dinaanan ng Batang Pier bago nakarating sa final four, kaya kahit pinagbakasyon na ay taas-noo pa rin silang lumabas ng Smart Araneta Coliseum tapos ng series-clinching 120-107 win ng Gins nitong Biyernes.

Nilusaw ng Batang Pier ang twice-to-beat ng NLEX sa quarterfinals para maging unang No. 8 team na nanilat sa No. 1 tapos nang ginawa ng Powerade sa B-Meg noong 2012 Philippine Cup.

Dala ang momentum sa ­sumunod na round, ­nilampaso ng NorthPort ang Gin Kings 124-90 sa opener ng semis. Tinabunan sila ng Gins sa ­sumunod na tatlong laro.

Isa si Christian Standhardinger sa mga nakasipat ng positibo sa nilakbay ng team kahit natalo.

“We can be a great team because we’re all humble. There are no egos and we’re just ­trying to figure out how to win,” anang Fil-German na nagsumite ng 32 points at 15 rebounds sa Game 4 loss.

Kalagitnaan ng season-ending conference dumating sa NorthPort si Standhardinger mula San Miguel Beer kapalit ni Moala Tautuaa. (VE)