C-Stand tutuloy ang angas kontra Alaska

Mga laro ngayon: (Smart Araneta
Coliseum)
4:30 pm – NorthPort vs Alaska
6:45 pm – Ginebra vs Meralco

Bakbakan ang NorthPort at Alaska sa first game ng nagbabalik na PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Kumakapit sa solo-­eighth ang Batang Pier sa 3-4 baraha, nangangailangan ng panalo para tumibay ang kapit sa top eight teams na aabante sa quarterfinals tapos ng 11-game eliminations.

Kabuhol ng Aces ang Phoenix sa ninth-10th sa parehong 2-6 baraha. Susubukan ng Alaska na tuhugin ang tatlong huling laro at umasa na makahirit kahit playoff sa last quarters berth.

Muling ­isasabak ni coach Pido ­Jarencio si Christian Standhardinger na ­tumabo ng 18 points, 5 ­rebounds at 7 assists nang giyahan ang Batang Pier sa 127-119 win laban sa pinanggalingan niyang team na San Miguel Beer nitong Oct. 23.

Sa 45 ½ minutes na nasa loob, walang tigil din ang pambubulabog ni Standhardinger kay June Mar Fajardo.

Mainam din ang pinakita ni Micahel Qualls sa unang laro niya sa NorthPort sa kinamadang 40 points, 18 rebounds.

Inekisan ng Alaska ang ­pangalawang panalo sa torneo sa bisa ng 101-91 win sa Blackwater nitong Oktubre 26.

Sa larong ‘yun, tinawag ni coach Jeff Cariaso off the bench si Jeron Teng para magsumite ng 19 points, 8 rebounds. May tig-18 markers pa sina Abu Tratter at Franko House na nagbaba rin ng 11 boards. (VE)