Pinanindigan ng Ombudsman ang desisyon nitong pagsibak kay da­ting Makati Mayor Jejomar ‘Junjun’ Binay Jr. kaugnay ng sinasabing overpriced na konstruksiyon ng Makati City Hall Parking Building 2.

Ito’y matapos na baligtarin ng Court of Appeals (CA) ang natu­rang dismissal order ng Ombudsman.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, mananatili ang kanilang posisyon sa pagsibak kay Binay noong 2015 at tama ang kanilang desisyon na kasuhan ng administratibo ang dating alkalde.

Paliwanag ni Morales, ang ginamit na ‘condonation doctrine’ ng CA sa pagbaligtad ng kanilang desisyon ay hindi umano saklaw o applicable kay Binay dahil nangyari ang pagkakasala bago at pagkatapos ng kanyang pagkahalal.

Sa ilalim ng nasabing doktrina, ipinapawalang-bisa ang anumang administrative liability ng isang opisyal oras na siya ay mahirang muli.

Ngunit paliwa­nag ni Morales, “It does not ­apply as far as we are concerned because his acts that were questioned by us consisted of acts before his reelection and ­after his reelection.” (Eralyn Prado)