CA umokey sa pagbili ng 48 bagong bagon ng MRT

Maitutuloy na ng gobyerno ang pagbili ng 48 bagong bagon para sa Metro Rail Transit-3 o MRT-3 na nagkakahalaga ng P3.8 bilyon mula sa isang Chinese company.

Ito ay matapos na pagtibayin ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng Makati City Regional­ Trial Court noong Pebrero 20, 2014, na nagbasura sa hiling na injunctive writ ng MRT Corporation at MRT Holdings II Incorporated laban sa pag-a-award ng P3.76 billion na kontrata sa Dalian Locomotive and Rolling Stock.

Base sa 16-pahinang desisyon ng CA 12th Division na isinulat ni Associate Justice Maria Elisa Sempio Dy, hindi umano nakapagprisinta ng sapat na ebidensya ang mga petitioner para patunayan ang grave injustice at irreparable injury na maaaring idulot ng kontrata sa MRT Corporation.

Bigo raw kasing makapagsumite ang mga petitioner ng salaysay ng iba pang testigo na susuporta sa kanilang paratang.