Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) tungkol sa insidenteng naganap sa Saudia Airlines flight SV872 kung saan ay nakatanggap ang Manila control tower ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng “distress signal” para maalerto ang airport authorities habang ang eroplano ay nasa bisinidad ng Lubang Island, 20 milya ang layo sa paliparan.
Ayon sa Media Affairs ng CAAP, iba-validate ang mga ulat mula sa Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG), na nangasiwa sa ‘operational control and supervision’ para sa seguridad ng buong paliparan sa bansa laban sa mga ‘terroristic acts’ na magdudulot ng panganib sa civil aviation at ng security office ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Matatandaan na ang pilot-in-command ng SV872 mula sa Jeddah, Saudi Arabia ay nagpadala ng distress call sa air traffic controller kaya bumuo ng crisis committee ang NAIA na sa kalaunan ito ay false alarm lamang.
Ang mga findings at rekomendasyon mula sa security office ng MIAA at ng PNP-ASG ay ipapadala sa General Authority of Civil Aviation (GACA) ng Kingdom of Saudi Arabia, ang counterpart ng CAAP.
AKALA SIGURO NG PILOTO MABAGAL PA DIN ANG MGA COMMANDO NATIN DITO SA PINAS…..YARI KA NGAYON PILOTONG KWAK KWAK….HAHAHA