Cabagnot, SMB nilango ang Alaska

Maagang bumangon ang San Miguel Beer sa first quarter 12 points down at winasiwas ang Alaska Milk, 119-107, sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations Biyernes nang gabi sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Three-pointer ni Simon Encisco ang nag-iwan agad sa SMB, 9-21, 6:31 sa opening stanza. Pero mula roon ginawang­ sariling palabas na ng San Miguel ang mga sumunod na tagpo, umabante nang hanggang 28 puntos sa labanan.

Tinimunan ni Alex Cabagnot ang ragasa ng Beermen sa binutas na 31 points kalakip pa ang 6 assists at 4 rebounds, samantalang may sumi­singasing na double-double si dating Best Import Charles Rhodes — 23 markers at 11 boards.

Umalalay pa sina Marcio Lassiter at June Mar Fajardo ng 23 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang naka-15 si Arwind Santos mula sa bench upang sumampa ang winning squad sa 2-3 at hatakin pa-4-4 ang biktima.

Si Chris Banchero ang bigong bumuhat sa opensiba ng Aces sa 26 pts. Sumukli si Chris Daniels ng 23 at at 22 rebs. (Lito Oredo)