CABANATUAN CITY — Kamatayan ang sinapit ng dalawang tulak ng droga makaraang maka-enkuwentro ang mga pulis na posuer buyer sa buy-bust ope­ration kamakalawa ng madaling-araw sa Purok Piligan, Brgy. Daan Sarile sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Supt. Ponciano Zafra, nakilala ang mga biktima na sina Angelito Hizon Quiambao, 35, residente ng naturang lugar at si Ariel Almanza Malabu­yoc, 38, residente ng San Pablo City, Laguna.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jesse Fernando, dakong alas-tres ng madaling-araw, nang matunugan ng da­lawang biktima na ang kanilang ka-deal sa droga ay mga pulis.

Akmang bubunot ng baril sina Quimbao at Ma­labuyoc kaya’t inunahang pagbabarilin ng mga pulis naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang caliber .38, walong bala, at walong sachet ng hinihinalang shabu.