Cabanatuan mas hihigpitan ECQ protocol

Naglabas ng kautusan si Cabanatuan City Mayor Myca Elizabeth Vergara para sa mas pinahigpit na mga polisiya na ipatutupag sa lungsod simula Lunes, Abril 20, kaugnay ng enhanced community quarantine.

Batay sa City Ordinance No.026-2020, magsisimula ang curfew ng alas-5:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng madaling-araw. Hati na rin ang schedule ng 89 barangay sa kanilang pamamalengke, dalawang beses sa isang linggo at magkaiba ang oras, mula alas:5:00 hanggang alas-11:00 ng umaga at alas-11:00 hanggang alas-kwatro ng hapon.

Pinahigpitan din ang pagsusuot ng facemask sa lahat ng pampublikong lugar at pagpapatupad ng social distancing.

Pinayagan ang mga vendors sa City Supermarket at Sangitan Public Market ng alas-3:00 ng madaling-araw hanggang alas-3:00 ng hapon lamang at aarangkada rin ang 3 market on wheel sa Lunes.

Binanggit pa sa ordinansa na nagtakda ng parusang pagkakakulong na hindi lalampas sa 6 na buwan at multang hindi lalampas sa P2,500. (Jojo De Guzman)