Cabinet post kay VP Leni bilang drug czar

Pormal nang inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice ­President Leni Robredo ng posisyon sa gabinete para magsisilbing drug czar ng gobyerno.

“To dispel all doubts on the sincerity of the Chief Executive’s offer, as well as to put a halt to the discordant pessimism of the opposition, the President renews his offer to the Vice President to become the ­anti-illegal drugs czar, with all offices, bureaus, agencies or government.

instrumentalities involved in the enforcement of the law on prohibited drugs placed under her command and supervision with a cabinet secretary portfolio, to ensure her effectiveness in combatting the drug menace,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa isang statement.

Ang pormal na alok ay ginawa ng Pangulo makaraang batikusin sa ginawa nitong paghamon sa bise presidente na pamunuan ang anti-drug campaign ng pamahalaan na tinawag na `trap’ dahil imposibleng magawa ito ni Robredo sa loob ng anim na buwan nang walang suporta o tulong sa mga anti-drug agency ng gobyerno. (Prince Golez/Aileen Taliping)