Inusisa namin ang manager ni Cacai Bautista tungkol sa issue ng pagiging primadonna ng comedienne/singer.

According to Freddie Bautista, hindi raw pa-primadonna ang kanyang alaga.

Sa katunayan, makiki­pag-usap daw sila sa producers ng launching movie ni Cacai para klaruhin kung ano ba ang sinabi ng mga ito sa talent manager­ at kasamahan dito sa Abante TONITE na si Noel Ferrer dahil ayaw nilang magkaroon ng bad blood dito.

Hindi raw namimili ng leading man si Cacai at alam daw nila na sila mismo ay puwedeng mapalitan sa nasabing pelikula, kaya ‘yung sche­dules na ibi­nigay nila ay ‘yung puwede talaga sila.

Wala raw regular TV show si Cacai, kaya puro raket lang sila at maluwag ang schedule ng Dental Diva.

Iniyakan ba ni Cacai ang issue tungkol sa pagiging primadonna niya?

“Na-sad lang si Cacai, pero hindi siya umiyak, kaya gusto naming klaruhin sa producers ng launching movie niya ang tungkol sa issue na ‘yon para maayos.

“Nakakahiya rin kasi kay Noel,” paliwanag ni Freddie.

Biniro namin si Freddie na dapat ay dagdagan ang title ng kanyang ala­ga at gawing The Controversial Dental Diva.

Natawa na lang ang ta­lent manager at idi­nagdag na ina­asahan nilang ma­aayos din ang mga intrigang kinakasangkutan ni Cacai!

***

KATULAD ng nanay niyang si Annabelle Rama at ate niyang si ­Ruffa Gutierrez, parang kakambal na rin ni Raymond Gutierrez ang kanyang cellphone.

Kaya hindi siya ma­pa­kali nang mawala ‘yon noong isang gabi.

Kahapon eh kinulit-kulit kami ni Raymond kung magkano ang isang brand ng cellphone dahil kailangan niyang magpabili na at wala na siyang means of communication.

Akala namin ay magpapabili na ng new cellphone si Raymond, pero hindi namin alam kung namahalan o umiral ang pagiging kuripot niya dahil big­lang nagbago ng desisyon niya.

Hihintayin na lang daw ni Raymond kung bibigyan siya ng cellphone unit ng kanyang telecom provider.

Kung hindi, saka na lang daw siya bibili, huh!

***

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Kung ang isa sa best friends niya na si Georgina Wilson ay nagbuntis kaagad after magpakasal, si Solenn Heussaff eh mukhang bibilang pa ng maraming taon bago magbuntis.

Sa ngayon kasi, busy pa si Solenn sa kanyang career.

Kahapon, kahit pagod sa tatlong shows sa United Arab Emi­rates (dalawa sa Abu Dhabi at isa sa Dubai), nag-taping kaagad for Encantadia si Solenn, samantalang Linggo nang gabi lang siya nakabalik ng bansa huh!

Anyway, ilang Kapuso stars at executives ang kasama ni Solenn sa UAE. Hindi niya isinama ang mister na si Nico Bolzico.

Sabi ng manager ni Solenn, si Leo Dominguez, basta pagdating sa career ng sexy actress/singer, hindi nakikialam si Nico.

Dahil trabaho ang ipinunta ni Solenn sa UAE, hindi sumama roon ang kanyang mister.

Artista na si Solenn nang magkakilala sila ni Nico, kaya nauunawaan ng huli ang trabaho ng kanyang misis.