Sa 90th birthday ng nanay ni Joel Cruz na si Madam Milagros Cruz na ginanap sa Ballroom ng Rizal Park Hotel ay naging special guest sina Martin Nievera at Regine Velasquez.

Kasama ni Regine ang kanyang ­sister/­ma­nager na si Cacai Velasquez-Mitra. Hiningan namin siya ng reaction sa balitang paglipat umano ni Regine sa ABS-CBN 2.

Tanong kay Cacai kung totoo ba na lilipat ng network si Regine dahil sa laki ng talent fee?

“Naku! Hindi ako puwede mag-comment diyan. Saka wala pa namang kumpirmasyon,” reaksyon ni Cacai na tumatayong manager din ng Songbird.

Totoo bang pipirma ng kontrata si Regine sa Kapamilya Network pagkatapos ng show niya sa GMA 7?

“Wala pa naman po kaming pinipirmahan. Hindi talaga ako puwedeng mag-comment pa. Ayaw naming mademanda. May mga bagay na hindi ako puwedeng magsalita. Basta in due time ay magbibigay din naman kami ng pahayag sa tamang araw,” pakli ni Cacai.