Lumiyab ang opensa ng Café France sa third quarter upang sikwatin ang 95-84 panalo laban sa Victoria Sports-MLQU kahapon sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nagsanib puwersa sina Paul Desiderio at Rod Ebondo sa third quarter upang pangunahan ang 17-4 run ng Bakers at maagaw ang manibela papasok ng fourth, 70-61.
Tangan ng Victoria ng 44-32 bentahe sa halftime, bago kumayod ng 38 puntos ang Café France sa third.
Nilista ng Bakers ang four-game winning streak para lumakas ang kapit sa pangalawang puwesto sa team standings, (5-1) habang nalasap ng Victoria Sports ang pang-limang talo sa anim na laro.