Tatlong tama ng punglo sa katawan ang naging sanhi ng kamatayan ng isang barangay chairman nang tambangan ng riding-in-tandem sa Abulug, Cagayan kamakalawa ng gabi.
Agad namatay ang biktimang si Kapitan Rey Reyes ng Barangay Pinili sa nasabing bayan.
Sa ulat ni Sr. Insp. Delmar Abuzo, hepe ng Abulug Police, naglalakad ang biktima kasama ang kaniyang live-in partner papunta sa isang kainan nang ito ay pinagbabaril ng suspek na lulan ng motorsiklo at nakasuot ng helmet.
Napag-alaman sa mga kaanak ng bitkima na may matagal nang tinatanggap na pagbabanta sa buhay ang biktima mula sa isang drug surenderee sa kanilang barangay.