Cagayan principal sibak sa child abuse

Nanganganib na masibak sa serbisyo ang isang principal at isa pang assistant principal dahil sa kinakaharap na kasong acts of lasciviousness at child abuse sa Cogon, Cagayan de Oro City.

Kamakalawa nang arestuhin ng pulisya ng Cogon Police sa pamumuno ni Chief Insp. Jason Sto. Domingo, ng Police Station-2 Cogon, ang suspek na si Arnold Tejero, principal ng City Central School.

Inaresto rin si Rudy Villalobos, assistant principal din ng nasabing paaralan pero pansamantala ring nakalaya matapos magpiyansa.

Dinakip ang dalawa sa bisa ng arrest order na inilabas ng Regional Trial Court Branch 22 dahil sa mga nabanggit na kaso na inihain ng Grade 4 at Grade 6 na estudyante noon pang April 2016.