Cage coach bugbog sarado sa mga player

Cage coach bugbog sarado sa mga player

Gigil na gigil.

Ito ang naram­daman ng mga player­ ng high school basketball team sa New Jersey nang hindi na maka-pagtimpi at binugbog na lang sa sobrang galit ang kanilang coach sa harapan ng kanilang paaralan.

Viral video sa Twitter ang nasabing pang-uumbag ng mga manlalaro sa coach.
Hindi pa nakuntento ang apat na manlalaro dahil ayaw paawat nang pagsasapakin at pagtatadyakan pa nang paulit-ulit ang kaawa-awa nilang coach.

Tumanggi namang ilabas ng mga police ang mga pangalan ng nambugbog dahil ayon sa kanila, mga menor de edad pa lamang ang mga basketbolista.

Kasalukuyang iniim­bestihagan ang puno’t dulo ng insidente.

“Our detectives are investigating this incident to identify and to appropriately charge those individuals involved,” pahayag ni Newmark Public Safety Director Anthony F. Ambrose.

“Those found to have participated in this senseless act of violence will face criminal charges.”­ (Aivan Episcope)