Caidic, Abarrientos itatakda ang duwelo sa titulo ng SMB, Alaska

Caidic, Abarrientos itatakda ang duwelo sa titulo ng SMB, Alaska

Mga laro sa Linggo:
(Pasig City Sports Center)
12 noon – Alaska Milk vs Ginebra San Miguel
1:30 p.m. – Purefoods vs San Miguel Beer

Sa pamumuno nina Allan Caidic at Johnny Abarrientos, ihuhulma ng top seed San Miguel Beer at second seeded Alaska Milk ang title showdown sa Linggo sa isang bigwasan lang sa semis rivals mamaya sa UNTV Cup Philippine Basketball Association Legends Faceoff sa Pasig City Sports Center.

Kasalpukan nang rumaragasang Beermen (3-0) ang win-less pang Purefoods (0-3) sa ala-1:30 nang hapon makaraan ang alas-12 nang tanghaling komprontas-yon ng Milkmen (2-1) at Ginebra San Miguel (1-2).

Ieere ang mga engkuwentro simula sa alas-tres nang hapon sa UNTV.

Kailangang isang ulit lang idispatsa ng SMB at AM ang mga karibal upang maisaayos ang duwelo sa titulo makaraang tumapos ng 1-2 sa single round prelims ng four-team tournament na layong matulungan ang PBA Legends Foundation na pinamumunuan ni dating PBA hotshots Fortunato ‘Atoy’ Co, Jr.

Inihayag ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon na ang combined prizes na P2M ay idodonasyon niya sa PBA Legends Foundation para matulungan ang former pro players na may mga sakit at nangangailanang pinansiyal para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Sumiklab si Caidic ng 32 points sa impresibong 9-of-13 shooting sa three-point zone sa Father’s Day celebration nitong Linggo sa pagdemolis sa Gin Kings, 135-107. Inaasahang makakatuwang niya sina Nicholas Belasco, Christian Jay Calaguio, Francis Adriano, Daniel Charles Siegle at Danilo Ildefonso.

Humarabas naman si Abarrientos ng 25 mar-kers at 16 assists sa 92-70 pagpapak sa Hotdogs sa Araw ng mga Ama rin.