Pumalo na sa mahigit 75 ang napapatay na drug pushers sa buong CALABARZON na sumasakop sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon sa unang anim na buwan.
Sa nasabing bilang, 61 ang napatay sa mga anti-illegal drug operations sa buong buwan ng Hunyo lamang.
Walo rito ang napatay sa Cavite, 14 sa Rizal, 6 sa Batangas, 18 sa Laguna at 15 mula sa Quezon.
Samantala, nasa 5,504 drug pushers at users din ang nahuli sa unang kalahati ng taon; 4,589 sa mga ito ay nasampahan na ng kaso at 1,140 sumuko.
Base sa order of battle, may 227 wanted drug personality sa Cavite, 300 sa Laguna, 334 sa Batangas, sa Rizal ay 140 at sa Quezon ay 394 sa kabuuang bilang na 1,395 persons.