Nakahanda na ang calamity loan para sa mga miyembro ng Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG Fund sa Cagayan at Isabela na labis na sinalanta ng super typhoon Lawin noong nakaraang linggo.
Ito ang inanunsyon kahapon ni Vice President at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chairperson Leni Robredo kaya maaari na umanong mag-apply ang mga ito sa PAG-IBIG office sa kanilang lalawigan.
Bukod sa Cagayan at Isabela ay maaari ring mag-apply para sa calamity loan ang mga residente na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity tulad ng Mountain Province, Ilocos Norte, Kalinga at Apayao.
“Makakaasa po ang ating mga kababayang na handa ang ating mga PAG-IBIG regional offices at magiging mabilis at maayos ang pagproseso ng kanilang mga calamity loans,” ani Robredo sa isang statement kahapon.
Magde-deploy umano ang mga ito ng mobile offsite processing sa mga nabanggit na lugar para mapabilis ang pagpoproseso sa calamity loan ng mga PAG-IBIG members.
Sa ilalim ng PAG-IBIG Fund’s Calamity Loan Program, maaaring mag-apply ang mga miyembro nito sa mga apektadong lugar sa loob ng 90-araw kung saan dalawang valid ID lamang umano ang kanilang kailangang maipakita.
Paano po yung hindi members ng Pag ibig??? paano ang gagawin nila para makahingi rin ng tulong..baka po pwede rin sila mabigyan ng ayuda…any government agency po