Calatagan, Batangas nilindol

Bahagyang umuga ang lalawigan ng Batangas nang tumama dito ang magnitude 3.5 na lindol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ganap na ika-9:21 umaga ng Martes (May 12) nang maitala ang pagyanig sa 23 kilometers Southeast ng Calatagan.

Tectonic ang origin ng lindo na may lalim na 189 kilometers.

Wala namang naitalang napinsalang mga ari-arian. Wala ring inaasahang intensities at aftershocks.