Bubuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kalsada ng Calbayog-Allen Road sa Barangay Caglanipao Sur, TinamĀbacan District, Calbayog City, Samar na binaon ng landslide dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Ayon kay District Engineer Alvin A. Ignacio, ng DPWH Samar First District Engineering Office, makakaasa na ang mga motorista na madaraanan na ang nasabing kalsada matapos na isara ito noong nakalipas na Hulyo 23, dahil sa nararanasang malakas na pagbuhos ng ulan.
Dahil sa nangyaring pagguho ng lupa ay isang linya lamang ng kalsada ang maaaring madaanan samantalang ang isa pang linya ay nabaon ng putik.
Kasabay nito ay naglabas ng abiso ang DPWH sa mga motorista at publiko na mag-ingat sa posibilidad na pagguho ng bato at lupa.