Naglunsad ng one-man shooting show si Kentavious Caldwell-Pope para bitbitin ang Los Angeles Lakers sa 113-108 panalo laban sa Sacramento Sabado ng gabi.

Hindi napigilan ng Kings si Caldwell-Pope na magpasabog ng season-high 34 points, 17 dito sa third.

Walo sa 17 3-poin­ters ng Los Angeles ay inilista ni Caldwell-Pope, nagdagdag ng 17 off the bench si Isaiah Thomas para sa Lakers.

“It’s been a while since I’ve been that hot,” bulalas ni Caldwell-Pope, nasa kanyang unang season sa LA matapos ang apat na taon sa Detroit.

Lamang pa ang Kings 64-54 mahigit 10 minutes pa sa third nang magliyab sa labas ng 3-point arc si Caldwell-Pope, nagsalpak ng lima sa loob ng 5 minutes para sindihan ang 33-19 run ng La­kers sa buong period.

Sa taas na 6-foot-6, nangibabaw si Caldwell-Pope sa mga bumantay sa kanya sa long range.

May tig-21 points sina Buddy Hield at Bogdan Bogdanovic sa Sacramento, nagdagdag si Willie Cauley-Stein ng 18 points at 15 rebounds.

Sa final minute, dumikit sa isa ang Kings bago nagsalpak ng tigalawang free throws sina Thomas at Josh Hart para selyuhan ang panalo ng Lakers sa huling 12 seconds. (VE)