Tinuring na premature at uninformed ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO) ang naging pahayag ni Solicitor General Jose Ca­lida na ilegal ang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan nito at Bureau of Corrections (BuCor).

Sa ipinalabas na official statement ng TADECO, iginiit nito na mali ang pahayag ni Calida, tanging ang korte lamang umano ang may hurisdiksyon na magdeklara na void ang isang kontrata.

Malinaw umano na nagkaroon ng prejudging sa JVA lalo at on-going pa lamang ang ang rebyu sa kontra ng DOJ gayundin ay hindi pa nasisimulan sa Kamara ang imbestigasyon na una nang inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

“Where is the fairness? Perhaps the intent is to condition the minds of the public and pre-empt the review of Department of Justice as well as the House probe,” ayon sa pahayag ng TADECO.

Handa naman ang TADECO na sagutin ang lahat ng isyung ipinupukol sa kanila sa tamang forum at kumpiyansang mabibigyang linaw ang mga pagkuwestiyon sa JVA.

“Our JVA has withstood the test of time and multiple reviews by Secretaries of Justice and several congressional investigations over so many years. All of them have found our JVA to be valid and beneficial to the BuCor and the Republic of the Philippines,” dagdag pa nito.

Sa isang twitter account ni Calida sinabi nito na ang kontrata sa pagitan ng BuCor at TADECO ay labag sa Commonwealth Act No. 141 o Public Land, ang 5,212 hektaryang nirerentahan ng TADECO ay pagmamay-ari ng estado at sa ilalim ng Konstitusyon pinapayagan lamang na rentahan ng isang private corporation ang government-owned land sa loob ng 50 taon.

Sa kaso ng TADECO ay 2019 dapat matapos ang deal subalit sa kasalukuyang kontrata nito ay magtatapos sa 2029.

35 Responses

  1. Bakit kasali ba si Calida sa imbestigasyon? Kung makapag bigay ng pahayag kala mo naman korte. Nakakahiya! Magkano kaya naibulsa nito.

  2. How can he be saying these things when there hasn’t been any findings yet by the investigating body? How irresponsible. As early as now he is already showing his bias, this guy cannot be trusted.

  3. Dapat bago sumabak sa mga posisyon na may kinalaman sa legal – magkaroon muna ng remedial law, ang mga iuupo, dahil pansin na ang mga naka-upo rito ay walang alam sa batas o baka naman nakalimutan na nila ang sinasaad sa batas….Calida, naturingan kang Solicitor General, pero utak mo daig pa ng isang Freshmen Law Student.Hwag mong daanin ang lahat sa lubak mong pagmumukha,,,,hwag ang burog mong mukha ang ipairal mo..kundi ang kung ano ang isinasaad ng batas at kinikilos ng isang alagad ng hustisya…

  4. Commenters here are obvious paid trolls paid without any understanding of the issue. And with their comments obvious din who paid them. The sad part is that most probably it’s the tax payers money that is being wasted on these idiots.

  5. naku kahit anong gawin niyo or kung pagttkpan niyo pa ang mga tao na nsa likod ng mga kawalnghiyaan wag kayo mg-alala dahil walang sikreto na hindi nabubunyag!

  6. si TONYBOY floirendo nlalapit na ang pagbagsak niyan konting galw nalang at malapit na rin niya matagpuan ang house and lot niya doon sa bilibid!

  7. dapt dito sa tadeco na ito eh maturuan ng leksyon dahil akala mo mga kbutihan ang mga ginagwa yun pala sa likod ay madami palang kabulastugan na nangyyari!

  8. youre done sa mga pagnanakaw banana king tonyboy malapit na ang paghuhusga ng parusa mo matapos lang itong imbestigasyon pormal ka nang sasampahan ng kaso

  9. Wala naman kayong mapapaniwala Floirendo sa mga sasabihin nyo kasi nakita na ng lahat kung paano nyo dinaya ang gobyerno at dapat kayong magbayad ng mga kasalanan nyo.