Caligdong entra, Nebreja eksit

caligdong

Patuloy ang pagpapalakas ng University of Perpetual Help System Dalta sa sports program, ngayo’y sa football naman sa misyong tighawin ang may dalawang dekadang pagkauhaw sa men’s senior football sa 94th National Collegiate Athletic Association 2017-18.

Tinapik kahapon ng Las Piñas-based UPHSD si Philippine Azkals legend Emelio ‘Chieffy’ Caligdong bilang bagong football coach para masipa ang pangatlong titulo sa soccer tapos ang una noong 1989 kasunod ang huli noon pang 1996.

Nagbitiw si Caligdong sa national men’s team apat na taon na ang nakalilipas. Papalitan niya sa pagmamando ng Altas si Aaron Carlos Nebreja.

“We feel that a le­gend like Chieffy Caligdong could help us revive our football program and ­possibly win us an NCAA championship if not this year, but in the near ­future,” bigkas ni ­Perpetual Help team ­owner Dr. ­Antonio Tamayo.

Inaasahang bibitbit si Caligdong ng ilang ­manlalaro mula sa Barotac Nuevo-Iloilo na matinik sa nasabing sport sa bansa.

Kakalambat lang sa nakalipas na taon ng Perpetual kina NCAA basketball champion coach Frankie Lim ng dating San Beda College at titled volleyball mentor Macky Carino na galing College of Saint Benilde.