Call center agent 3 beses sinaksak sa dibdib ng lover na guwardiya

Binata, dalagang Chinese sinaksak ng kababayan

Wala nang buhay nang matagpuan ang bangkay ng isang isang 22-anyos na call center agent sa loob ng tinitirhang apartment na umano’y kagagawan ng kanyang live-in partner na guwardiya sa Silang, Cavite.

Hinihinalang may ilang oras ng patay nang matagpuang ang bangkay ni Mary Joy Anayan, at inginusong suspek ang live-in partner na si Radie Macauling Sausa, 30, security guard, ng Silang, Cavite.

Sa ulat ni PMSgt. Decto Abangoen ng Silang Municipal Police Station, alas-6:50 kamakalawa nang umaga nang matagpuan ni Jenelyn Garcia, kapitbahay, ang bangkay ng biktima kung saan may tatlong tama ito ng saksak sa dibdib.

Bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay narinig umano ng kanilang kapitbahay na nag-aaway ang dalawa pero nasanay na ang mga ito dahil madalas umano silang nagtatalo. (Gene Adsuara)