Call center agent sa Cavite, nagbigti

Inaalam na ng mga awtoridad kung may foul play sa nangyaring pagkamatay ng isang call center agent na sinasabing nagbigti sa comfort room ng inuupahan nitong bahay sa Cavite City, matapos madiskubre ang labi nito mag-aalas-otso ng umaga kahapon.

Sa nakalap na ulat ng TONITE sa Cavite City Component Police Station, kinilala ang biktimang si Janeth Parina y Batuhan, 33, residente ng 820 Rest Haven St., Brgy. 4 Dalahican Cavite City na nagbigti gamit ang scarf.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, mag-isa itong naninirahan sa lugar at may tatlong araw na nilang hindi nakikita bago pa man umalingasaw ang masangsang na amoy galing sa bahay nito.