Nasipa ang Rain or Shine sa PBA Commissioner’s Cup pero kuntento si coach Caloy Garcia sa inabot ng kanyang Elasto Pain­ters.

Ang mahalaga, nagbigay sila ng ­magandang laban. ­Tuloy ang buhay, paghahandaan naman ang Governors Cup.

Top seed pagkatapos ng elimination round ang Painters, nasagad ang twice-to-beat edge sa GlobalPort sa ­quarters bago nakausad sa best-of-five ­semifinals pero pinitik ng Ginebra sa apat na laro.

“We performed well. Nobody even felt that our team was capable of ending the eliminations at No. 1 so there’s nothing to be ashamed of,” sabi Garcia paglabas ng dugout sa Smart Araneta Coliseum pagkatapos ng huling laro, ang 96-94 loss sa Gins Lunes ng gabi.

“The nice thing in the dugout is we’re happy of how we performed and we just got to get better.”

Ibang karakter ang pinakita ng kanyang team. Dibdiban ang Painters sa buong series, lalo sa huling laro. Naagaw pa nila ang lead sa dulo pero binawi ng Ginebra sa 3-pointer ni LA Tenorio bago sinelyuhan ng split free throws ni Jeff Chan ang panalo.

“It’s hard to play Ginebra in a series but it’s also a good learning point for our team,” dagdag ni coach Caloy.
“Always good also to play them ‘coz you get to learn a lot of things, especially they have the best tactician in coach Tim (Cone) and we gave them a battle. We were able to at least make some of our fans proud, even the ma­nagement. We just have to learn how to get out from that hump.”

Pagpapahingahin muna ni Garcia ang kanyang players bago bumalik sa court para paghandaan ang season-ending tournament. Kailangan lang ay hindi sila mawala sa kondisyon.

“Pahinga muna sila but probably this is gonna be a short break,” aniya.

Sa August 17 magsisimula ang Governors Cup.